Posts

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY BLOG #3

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao)   Pagtataya   Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:   Gabay sa Pagsusuri   1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi? - Ang personang nagsasalita sa tula ay isang mamatay tao kung saan ay ibinahagi niya ang proseso ng pagpatay ng buhay ng isang butiki na siyang inihalintulad sa buhay ng isang tao. 2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?  - Ang hayop na pinapaslang sa tula ay isang butiki. Maitutulad kung gaano kadali ang pagpatay ng isang butiki at buhay ng tao ayon sa kanyang nakasanayan. 3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?  - “Habang ako’y pumapatay, kayo nama’y nanonood.” Sa aking pananaw, ang huling taludtod ng tula ay nagpapahiwatig na sa paggawa ng kasalanang pagpatay ay may mga matang nak...

ISKWATER BLOG #2

Image
Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan   Pagtataya : 1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? - Ang sentral na paksa ng sanaysay ay ang pagtalakay sa mga pangyayari sa ating lipunan. Patungkol ito sa mga kaganapan sa lugar ng iskwater. Nais ipabatid ng may akda ang estado ng buhay ng mga nasa iskwater. Nakapaloob din sa sanaysay ang patungkol sa pamamalakad ng gobyerno, kaakibat nito ang kakulangan ng suporta ng gobyerno sa mga naninirahan sa iskwater na siyang lalong nagpapahirap at nagpapabigat sa kalagayan at kahirapan ng mga taong naninirahan sa iskwater. 2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa. -“IIang beses na rin nag banta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay”. Nakikita ko ang paksang ito bilang di tuwiran sa pagtalakay ng teksto, sapagkat kapag ito ay mangyaring may dahas, mas lalong magiging kawawa ang mga nasa mababang estado ng buhay. Nabanggit sa sanaysay na gusto nilang makaahon sa kahirapan at maka...

ISANG DIPANG LANGIT BLOG #1

 Isang Dipang Langit Ni Amado V. Hernandez Ako’y ipiniit ng linsil na puno Hangad palibhasang diwa ko’y piitin, Katawang marupok, aniya’y pagsuko, Damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; Lubos na tiwalag sa buong daigdig At inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas Ay sandipang langit na puno ng luha, Maramot na birang ng pusong may sugat, Watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, Sa pintong may susi’t walang makalapit; Sigaw ng bilanggo sa katabing mong, Anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala Na kala-kaladkad ng paang madugo Ang buong magdamag ay kulambong luksa Ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, Kawil ng kadena ang kumakalanding; Sa maputlang araw saglit ibibilad, Sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi’y biglang Magulantang sa hudyat – may takas! – at Asod ng...