SANAYAN LANG ANG PAGPATAY BLOG #3

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

Fr. Albert Alejo, SJ

(Para sa sektor nating pumapatay ng tao)

 

Pagtataya

 

Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:

 

Gabay sa Pagsusuri

 

1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?

- Ang personang nagsasalita sa tula ay isang mamatay tao kung saan ay ibinahagi niya ang proseso ng pagpatay ng buhay ng isang butiki na siyang inihalintulad sa buhay ng isang tao.

2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?

 - Ang hayop na pinapaslang sa tula ay isang butiki. Maitutulad kung gaano kadali ang pagpatay ng isang butiki at buhay ng tao ayon sa kanyang nakasanayan.

3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?

 - “Habang ako’y pumapatay, kayo nama’y nanonood.”

Sa aking pananaw, ang huling taludtod ng tula ay nagpapahiwatig na sa paggawa ng kasalanang pagpatay ay may mga matang nakabantay. Nais lamang nitong ipabatid na lahat ay nakasaksi sa mga bagay na kanyang ginagawang pagpatay.

4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?

 
- Ang tula ay hindi lamang para sa mga taong nakagawa ng krimen bagkus ay para ito sa lahat ng mamamayan lalo na sa mga taong may balak na gumawa ng krimen. Ang tula ay isang pagkilala at pagbibigay dangal sa karapatang pantao at ito ay obligasyon ng lahat ng mamamayan.

Mungkahing Gawain

 

1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.

- Binigyan lamang ng 24 oras si Chief of Police Police Colonel Jaime Santos upang lutasin ang kaso ng pagpatay kay Percy Lapid, ang beteranong broadcaster.

Si Lapid ay binaril noong Oct. 3, sa Las Piñas City, ng dalawang lalaking di pa nakikilala.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Marcos na kung saan mabilis ang pag-usad ng kaso dahil suportado ng gobyerno ang lahat ng sector nito upang gumawa ng mabilis at maayos na trabaho at mas marami pang mamamayang Pilipino ang matulungan at upang mabawasan ang mga krimen na nangyayari sa ating kapaligiran.

2. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t ibang isyu ukol sa karapatang pantao;

Sa kapaligirang tinitirahan
Puno ng mga taong hindi alam ang patutunguhan
Mga krimen at isyu sa ating lipunan
Hanggang kailan makakamit ang hustisya na hinahanap ng karamihan

Pagpatay, druga, pagkawala bigla ng ilan sa mga kabataan
Ilan lamang sa kriminalidad sa ating bayan
Mga pamilyang ubos na ang luha dahil sa hustisyang inaasahan
HUSTISYA! sigaw ng sambayanan

3. Mapahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan.
 
- Masasabing ang panitikan ay isa sa mga daan sa pagpapahayag at pagtuklas ng mga isyu at realidad sa lipunan. Mapahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng lipunang realidad at ng panitikan sapagkat nagsasaad ito ng mga karanasan, damdamin, diwa at kaisipan na siyang pupukaw sa atensyon ng mamamayan upang mamulat sa mga katotohanan at mabigyan ng malinaw na impormasyon ang ating lipunan.

Popular posts from this blog

ISKWATER BLOG #2

ISANG DIPANG LANGIT BLOG #1